Cauayan City, Isabela- Sinalakay ng CIDG Regional Field Unit, Isabela Provincial Field Unit, CIDG-AOCU, Cauayan City Police Station, Isabela Police Intelligence Unit at 2nd IPMFC Cauayan City ang bolahan ng iligal na jueteng sa Brgy. Minante 1, Cauayan City, Isabela.
Ilan sa mga nahuling kabo ay kinilalang sina Volter Landicho,41-anyos, Michael Valle, 38-anyos at Felicito Aguda, 47-anyos
Habang ang mga rebisador ay hinuli rin na nakilalang sina Raniel De Guia, 31-anyos; John Jefferson Corpuz, 29-anyos at Mark Geron De Guzman, 41-anyos maging ang sinasabing Table Manager na si Paul Viernes ay dinakip rin sa operasyon na kapwa mga residente sa lungsod.
Una rito, marami ng reklamo ang natatanggap ng CIDG kaugnay sa iligal na bolahan o Illegal Number Games na pinangangasiwaan ng mga grupo ng kalalakihan.
Nagpanggap na poseur bettors ang mga tauhan ng CIDG na nagresulta ng pagkadakip sa mga kalalakihan.
Nakumpiska sa mga suspek ang cash bets na umabot sa higit P52,000; mga gamit sa iligal na bolahan gaya ng calculator, improvised notebook na may number combinations at jueteng papelitos.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong PD 1602 amended by RA 9287 OLEA/”OPLAN BOLILYO/OPLAN SALIKOP” o (Illegal Number Games).
Nabatid na kabilang sa Tiaong Crime Group ang mga nahuling suspek na nasa kustodiya na ng CIDG Isabela Field Unit.
📸Isabela PPO