Manila, Philippines – Dumami ang bilang ng mga menor de edad na sangkot sa iligal na droga ang nasagip ng PDEA at PNP sa kampanya sa dalawang taon ng kampanya sa illegal na droga ng Duterte Administration.
Sa isang press conference, sinabi ni PDEA Spokesperson Derrick Carreon na sa loob ng dalawang taon na war on drugs, nakasagip na ang PDEA at PNP ng 1, 861 na menor de edad na sangkot sa iligal na droga.
Nasa edad 9 hanggang 17 ang mga bata na nasagip na sumailalim sa counseling at pangangalaga ng Social Welfare Offices dahil hindi pa sila mapapanagot sa batas.
1,001 sa mga nasagip ay pusher, 501 ang may pag aari ng iligal na droga, 255 ang gumagamit ng iligal na droga, 93 ang bumisita sa drug den, 6 ang drug den maintainer, 3 ang drug den employee at 2 ang cultivator.