ILIPAT|Asawa sa Leader sa Mauti-ISIS nga nasikop sa Gensan-gikatakdang ibalhin

General Santos City—Plano ng Gensan City Police Office na magresquest sa korte na ilipat ng Detention cell ang asawa ni Abu Dar ang bagong leader ng Maute-ISIS Group na si Nasifah Pundug na nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Police Station 7 dito sa Gensan matapos itong naaresto ng Joint Task Force Gensan.

Sinabi ni Police Sr. Supt. Raul Supiter, ang PNP City Director ng Gensan City Police Office na pinag-aaralan pa nila ngayon kung saan pweding i-detain si Nasifah dahil hindi umano ito pweding magtagal sa Police Station 7 dahil sa security issue.

Isa sa mga tinitingnan ngayon ng GSCPO na ilipat sa taguig si Nasifah para doon i-custody pero kung hindi maging posibli dito na lamang sya ilalagay sa Gensan City Jail.


Si Nasifah ang may kasong Illegal Possession of Explosive at nakulong na rin ito sa Marawi City Jail pero nakatakas matapos nirescue ng grupo ni Abu Dar bago pa nangyari ang marawi Siege noong nakaraang taon, kasama din ito sa Arrest order ng National Defense.

Facebook Comments