SHOOTING INCIDENTS|Barangay Chairman patay habang sugatan ang asawa nitong retired police

General Santos City—Patay ang isang Barangay Chairman habang sugatan naman ang asawa nito matapos pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek sa purok Tahimik, Barangay Baluan, Gensan alas 8:30 kagabi.

Kinilala ang biktima na si Jonalyn Castillo Sumagka, 37, Barangay Captain ng Barangay Baluntay, Bayan ng Alabel, Sarangani Province. Habang kinilala naman ang asawa nito na si Johnny Balahim Kinjiyo, 53, retired pulis at residenti ng nasabing Barangay.

Napag-alaman na galing nga Bayan ng Alabel ang mga biktima at papuntang Barangay Baluan dahil mayroon umano silang kausap na kleyente sa lupa pero pagdaling sa nasabing lugar, silay pinagbabaril ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.


Agad na tumakas ang mga suspek pagkatapos ng pamamaril habang ang mga biktima naman ay dinala ng mga concerned citizen sa SOCKSARGEN Hospital pero matapos ng ilang minute, binawian ng buhay ang Barangay Chairman.

Isa sa mga anggulong tinututukan nganon ng pulisya ay ang hinggil sa land conflict. Napag-alaman na broker ng lupa si Barangay Captain Sumagka sa kanilang Barangay.

Facebook Comments