ILLEGAL | 35 katao na biktima ng illegal recruitment, nasagip ng MPD

Manila, Philippines – Nasagip ng Manila Police District (MPD) ang nasa 35 biktima ng illegal recruitment sa San Andres Bukid, Maynila

Ayon sa MPD General Assignment Section, karamihan sa nasagip nila ay galing sa Visayas at Mindanao na pinangakuan ng trabaho sa Saudi at Jordan.

Nag-ugat ang operasyon matapos makatakas ang apat sa mga biktima na nasa isang bahay kung saan sila kinukulong.


Reklamo ng mga biktima na imbis na trabaho, ikinukulong sila at hindi pinapalabas bahay kung saan ilan sa mga nasagip ay apat na nananatili doon.

Wala namang naarestong illegal recruiter pero dinakip ang isang babae na caretaker ng bahay habang pinaghahanap ng mga pulis ang isang alyas Eva na siyang nasa likod ng nasabing insidente.

Facebook Comments