Illegal Drug trading sa Cotabato City, humina!

Dahil sa mas pinaigting na kampanya kontra iligal na droga ng Cotabato City PNP sa suporta ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi at sa tulong ng barangay officials, humina ang illegal drug trading sa lungsod.
Sinabi ni City PNP Dir. Sr. Supt. Victor Valencia na malaking tulong din sa paghina ng bentahan ng droga sa syudad ang malaking bilang ng mga nag-surface na users at pushers ng shabu na sumasailalim na sa rehabilitasyon, nakatulong din sa pagkonti ng supply ng iligal na droga sa lungsod ang pagkaka-neutralize ng kapulisan sa ilang high value targets nila katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency-ARMM. (DAISY MANGOD-REMOGAT)

Facebook Comments