ILLEGAL DRUGS | Sen. De Lima, dumating sa Muntinlupa Hall of Justice

Bantay sarado ng mga tauhan ng Muntinlupa City Police Station ang entrada ng Hall of Justice sa pagdating ni Senadora Leila De Lima.

Ito ay para sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kanyang kaso sa sala ni Judge Lorna Navarro Domingo RTC Branch 206 na may kaugnayan sa kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP) na kinasangkutan ni De Lima.

Sakay ng police van mula Camp Crame, Quezon City sinalubong ang senadora ng mga taga suporta na pawang nakasuot ng kulay asul na damit at asul na payong.


Bukod kay De Lima, kasama rin sa mga kinasuhan sina dating Bureau of Correction Director Franklin Bucayu, Wilfredo Ely, Jaybee Sebastian, Ronnie Dayan, Jonel Sanchez at Jose Adrian Dera alyas Jose De Vera.

Reclusion perpetua o habambuhay na pakakabilanggo ang parusa kung sakaling mapatunayan guilty ang mga akusado.

Facebook Comments