Ninong’s Hotel, Macagang Business Center – 2018 Awardees ng Balikat ng Bayan sa SSS-Luzon-Bicol Division

DALAWANG EMPLOYERS ang kinilala at binigyang parangal ng SSS Luzon-Bicol Division bilang Balikat ng Bayan Top Awardees ngayong taong 2018.
Ayon kay Madam Elenita Samblero, SSS Luzon – Bicol Division Head, ang pagkilala ay isinabay sa selebrasyon ng ika-61 anniversary ng SSS. Ang hakbang na ito ay bahagi ng pag-encourage sa lahat ng mga employers na maging compliant sa mga panuntunan ng SSS na magbigay ng tamang benepisyo sa pamamagitan ng tamang contribution amount ng kani-kanilang mga empleyado.
Ang mga Awardees ay ang Ninong’s Hotel sa Legaspi City – Top Division Small Category at Macagang Business Center sa bayan ng Nabua, Camarines Sur para sa Top Division Medium Category.
“Everytime we celebrate our Anniversary, we give due recognition to employers especially in their efforts to comply with SSS Law, and to encourage other employers to also comply”, pahayag pa ni SSS Luzon-Bicol Division head Madam Elenita Samblero.
Samantala, may kaakibat namang programa ang SSS para sa mga delinquent employers. Ang Run Againts Non-Compliant Employers kung saan patuloy ang kampanya at panawagan ng SSS sa mga pasaway na employers na dapat maging compliant sa SSS Law kaugnay ng pagbibigay ng tamang contribution para sa kani-kanilang mga empleyado.

Facebook Comments