Sa San Fabian, nagsagawa ng clearing operation ang mga pulis noong Nobyembre 10 sa paligid ng public market, kung saan tinutukan ang illegal parking, mga harang sa kalsada, at mga establisimyentong sumasakop sa bangketa.
Pinaalalahanan ang mga tindero at motorista na sumunod sa mga umiiral na ordinansa sa trapiko.
Samantala, sa Urbiztondo, ininspeksyon ng pulisya ang mga junk shop na gumagamit ng pampublikong kalsada at bangketa bilang imbakan ng mga bakal at iba pang recyclable materials.
Sinita rin ang mga sasakyang nakaparada sa kalsada habang nagsasagawa ng pagkakarga at pagbababa ng scrap materials.
Pinayuhan ang mga may-ari na panatilihin sa loob ng kanilang pribadong pasilidad ang mga materyales at operasyon ng kanilang negosyo.
Hindi pa tinukoy kung may mga lumabag na pinagmulta o nabigyan ng citation ticket sa dalawang operasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







