ILLEGAL RECLAMATION | Dalawang construction companies, isinara ng LLDA

64

Taguig City – Isinara ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang dalawang construction companies dahil sa pagtatapon ng mga waste materials sa baybayin ng Taguig City.

Ginawa ng LLDA ang aksyon alinsunod sa mahigpit na kautusan ni Environment Secretary Roy Cimatu na paigtingin pa ang monitoring at enforcement capabilities nito laban sa mga sumisira kalidad ng tubig sa Laguna Lake.

Mismong si LLDA General Manager Jaime ‘Joey’ Medina ang nagsilbi ng cease and desist order laban sa IPM Construction and Development Corporation sa Ortigas Avenue, Pasig City at sa Level Up Construction and Development Corporation sa Brgy Calzada Taguig City.

Isinisi sa illegal reclamation at backfilling activities ng dalawang construction companies ang pagdumi at pagbabaw ng lebel ng tubig sa Laguna Lake.

Facebook Comments