Bukas na rin ang Ilocos Norte para sa mga turista.
Layon nito na mapasiglang muli ang ekonomiya sa gitna ng epekto ng COVID-19 pandemic.
Pero paglilinaw ng Department of Tourism (DOT), tanging mga turista lang na manggagaling sa mga lugar sa Luzon na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ ang papayagang makapasok sa Ilocos Norte.
Ang mga bibisita ay dapat na sumailalim sa COVID-19 test, 72 oras bago bumiyahe at dapat na may koordinasyon sa travel operators na accredited ng DOT.
Sa ngayon, 50 slots pa lang ang available para sa mga turista kada araw.
Facebook Comments