iFM Laoag – Mayroon nanamang dalawang Suspected COVID-19 patients sa lalawigan ng Ilocos Norte ayun sa talaan ng DOH Region 1.
Naabala naman ang gobierno ngayon dahil mayroong isang Probable Case sa lalawigan na nakaconfine na sa Mariano Marcos Hospital sa Batac City at hinihintay na lamang ang resulta nito mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Samantala pusposan parin ang paghihigpit ng pamahalaan dito hinggil sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine.
Naglabas naman ng kautosan ang Provincial Government na ang sinumang lalabag sa ECQ ay magmumulta ng P5,OOO pesos bilang parusa sa first and final offense o tinatawag nilang “one time bigtime” penalty.
– Bernard Ver, RMN News
Facebook Comments