Ilocos Norte naglaan na ng pundo para sa COVID-19 Vaccine

iFM Laoag – Naglaan ng pundo ang lalawigan ng Ilocos Norte sa pamumuno ni Governor Matthew Marcos Manotoc na aabot sa 46 Million Pesos na magagamit sa COVID-19 response sa probinsya.

Sa pundong ito din manggagaling ang pambili ng bakuna mula sa British Drug manufacturer na AstraZeneca.

Ayun kay Manotoc, pangunahing mabibigyan ang mga persons at risk o mga taong nasa peligro, vulnerable sector, at frontliners gaya ng mga health workers at iba pa. Aabot sa 120,000 na doses ang una nang na order sa nasabing kumpanya.


Samantala, naibalik sa General Community Quarantine o GCQ ang lungsod ng Laoag sa pamamagitan ng Executive Order ni Governor Marcos Manotoc matapos pumalo ito sa pinakamataas na bilang ng mga nagpositibo sa nakaraang araw.

Dahil dito malilimitahan ang galaw ng mga tao sa lungsod at ipinagbawal ng gobernador ang social gatherings o pagtitipon ng maraming tao sa isang lugar. – Bernard Ver, RMN News

Facebook Comments