Isa ang Ilocos Region sa pitong rehiyon sa nakapagtala ng mataas na unemployment rate sa bansa.
Base ito sa datos ng Philippine Statistics kung saan nakapagtala ang rehiyon ng 7.2%.
Bagamat naipabalitang bumaba ang unemployment rate sa buong bansa sa pagtatapos ng Disyembre noong nakaraang taon sa 6. 6% may 17 rehiyon ang nakapagtala ng mataas na unemployment rates kumpara sa 6. 4% na national estimate.
Inaasahan namang mababawasan ang bilang ng walang trabaho sa rehiyon ngayong taon dahil na rin sa pagbaba nito sa Alert Level 1 na nagbibigay ng permiso sa mga establisyimento para sa full capacity.
Dagdag pa dito ang pagsasagawa ng face-to-face jobs fair sa mga probinsiya na pinangungunahan ng mga PESO sa apat na probinsiya. | ifmnews
Facebook Comments