PRC Mobile Vaccination, umarangkada sa Novaliches

Nagsimula na ngayong umaga sa Novaliches ang Health Caravan ng Philippine Red Cross para magkaloob ng bakuna sa adult population.

Maghapon na magbibigay ng COVID-19 vaccine mula first dose hanggang booster shots ang Red Cross gamit ang Pfizer, Moderna at Johnson&Johnson.

Bukod dito ang iba pang medical services na isasagawa tulad ng medical mission, bloodletting at iba pa.


Bukas ang aktibidad sa lahat pati na sa mga walk in na nais magpabakuna.

Facebook Comments