Iloilo Mayor Jed Patrick Mabilog, binanatan muli ng Pangulo

Manila, Philippines – Binanatan muli ni Pangulong Rodrigo Duterte si Iloilo Mayor Jed Partrick Mabilog.

Ayon sa pangulo, hindi magbabago ang kanyang pananaw sa alkalde kahit nag-alok pa ito ng isang milyong pisong pabuya para sa makakapagtuturo sa mga sangkot sa ilegal na droga.

Bumuwelta rin ang pangulo sa dalawang dekadang pamumuno ng mga mabilog sa lalawigan.


Sabi pa ng pangulo, pinapapatay ng mga mabilog ang mga magtatangkang tumakbo laban sa kanila.

Ipinatutumba rin ng pamilya pati ang mga pulis na hindi sang-ayon sa umano’y illegal drug trade nila.

Facebook Comments