Imbak na Armas sa isang Pinagkukutaan, Itinuro ng dating kasapi ng NPA

Cauayan City, Isabela- Narekober ng pwersa ng 95th Infantry Salaknib Battalion at pulisya ng 1st PMFC, 201st RMFC at PNP San Mariano ang dalawang armas na M16 at M14 rifles sa bahagi ng Sierra Madre partikular sa Ditapaya, Diwagden, San Mariano.

Ito ay makaraang ipaalam ng dating kasapi ng New People’s Army na isang katutubong Agta na si alyas Kanoy.

Ayon sa dating rebelde, kasama siya sa nabuwag na 1st Nasyonal Batalyon ng NPA noong panahong 80s, 90s habang nagpapatuloy ang kanyang serbisyo sa armadong pakikipaglaban at kalauna’y nagbalik-loob sa pamahalaan ngayong taon.


Kasama niya si dating NPA batalyon sila @Papi-VSL Team Explo, @Bombo-Agta, VPL RSDGat @ Axel, VCO, SGU na naunang nagbalik-loob sa gobyerno ngayong taon.

Dagdag pa niya na ang nasabing mga matataas na kalibre na armas ay binigay sa kanya ni @Yuni/Boogs, Kumander ng RSDG, KR-CV bilang kasama sa matataas na personalidad ng NPA sa lugar.

Nagpapasalamat naman si alyas Kanoy sa mga binibigay na tulong ng pamahalaan sa mga katutubong nagbalik-loob at ang kanyang pangako kasama ang kanyang pamilya ay hindi na sila magpapalinlang sa kadre ng NPA.

Ayon naman kay LtCol. Gladiuz Calilan, Commanding Officer ng 95IB, malaki ang pasasalamat ng kasundaluhan at kapulisan kay alyas Kanoy at sa kanyang nasasakupan na katutubo sa kanilang pagtitiwala sa pamahalaan.

Tiniyak naman ng opisyal ang pagtupad sa pangako ng pamahalaan sa ilalim ng inilaang programa para sa mga nagbalik-loob.

Facebook Comments