Ito ay sa tulong ng isang dating rebelde na nagbunyag sa mga otoridad kung saan itinatago ng mga rebelde ang kanilang bigas at iba pang pagkain.
Nadiskubre ng pinagsamang pwersa ng 17th Infantry Battalion at PNP sa nasabing Sitio ang isang malaking container na may kargang bigas na ibinalot sa plastic at tinatayang may bigat na mahigit kumulang 40 kilos.
Ayon sa nag-tip na dating rebelde, ang nadiskubreng bigas ay mga inipon ng mga NPA sa pamamagitan ng kanilang ginagawang pangingikil sa mamamayan lalo na sa mga magsasaka.
Kaugnay nito, binalaan naman ni MGen Laurence E Mina, pinuno ng 5th Infantry Division, Philippine Army ang mga natitira pang NPA na itigil na ang ginagawang extortion activities sa taong bayan.
Pagpapatunay lamang aniya na ang pangingikil ng mga rebelde ay pasakit at pahirap sa mga magsasaka’t buong mamamayan.
Pinasalamatan din ng Heneral ang dating rebelde sa pagtulong sa kasundaluhan para mabawi ang imbakan ng mga teroristang grupo.
Nasa kustodiya na ng 17IB ang narekober na container para sa kaukulang disposisyon.