Higit 50-M Filipino, fully vaccinated na

115

Umakyat na sa higit 110 million doses ang kabuuang bilang ng COVID-19 vaccines na naiturok na ng pamahalaan sa buong bansa.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, nasa 50.6 million na indibidwal sa buong bansa ay fully vaccinated na laban sa virus.

Katumbas ito ng 65% ng target population ng pamahalaan.


Nasa 61.2 million doses naman ang naiturok na ng gobyerno bilang first dose.

Habang umakyat na rin sa higit 2.2 million ang nakatanggap na ng booster shot o additional doses ng bakuna.

Ayon sa kalihim, kahapon ay nasa higit 780, 000 daily jabs ang bakunang naiturok ng pamahalaan sa buong bansa, sa loob lamang ng isang araw.



Facebook Comments