Imbestigasyon kay Atong Ang at sa kanyang e-sabong firm, inirekomenda ng Senado

Inirekomenda ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at sa National Bureau of Investigation (NBI) na ituloy ang imbestigasyon sa gaming tycoon na si Atong Ang at sa kaniyang e-sabong firm na Lucky 8 Star Quest.

Ayon kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, chairman ng komite, dapat ipagpatuloy ng CIDG at NBI ang imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero na may kinalaman sa aktibidad ng e-sabong hanggang sa maresolba ito.

Kasama rin sa pinaiimbestigahan ng komite ang mga operator ng mga sabungan sa Maynila, Laguna at Batangas kung saan huling nakita ang mga nawawalang sabungero.


Maliban dito, inirerekomenda rin ng komite na kung papayagan ang operasyon ng e-sabong ng susunod na administrasyon, kailangan bumuo ng batas na magreregulate dito at papayagan lang ang operasyon nito tuwing Linggo at holiday.

Facebook Comments