24 indibidwal, patay matapos gumuho ang isang gusali sa Iran

149

Pumalo na sa 24 indibidwal ang nasawi matapos gumuho ang tinatayong sampung palapag na commercial building sa Abadan City, Iran.

Nakalabas naman na ng ospital ang 34 mula sa 37 kataong nasugatan sa insidente.

Ayon kay Khuzestan Province Deputy Governor Ehsan Abbas Pour, magpapatuloy ang rescue operation hanggang mailabas nila ang lahat ng taong naipit sa nasabing gusali.


Habang patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng insidente, inaresto naman ang 11 katao na may kaugnayan sa pagtatayo ng nasabing gusali kabilang na ang alkalde ng Abadan, gayundin ang may-ari at contractor nito.

Facebook Comments