Imbestigasyon ng ICC, panahon na para harapin ni Pangulong Duterte

Iginiit ni Senator Risa Hontiveros na panahon na upang harapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbestigasyon ng International Criminal Court o ICC.

Ayon kay Hontiveros, hindi dapat harangin ni Pangulong Duterte ang ICC sa pagtupad ng tungkulin dahil wala naman itong dapat ikatakot kung totoong wala itong itinatago.

Ikinatuwa naman ni Senator Leila de Lima ang pagsisimula ng preliminary investigation ng ICC ukol sa umano’y mga pagpatay sa ilalim ng “war on drugs” na ikinasa ng Duterte administration.


Umaasa si De Lima na hindi na magtatagal ay maglalabas na rin ng warrants of arrest ang ICC laban kay Pangulong Duterte, gayundin kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa na dating hepe ng Philippine National Police (PNP) at sa mga miyembro ng Davao Death Squad.

Iginiit naman ni Senator Koko Pimentel na bilang responsableng miyembro ng international community ay dapat nating irespeto ang sistema ng ICC.

Paliwanag pa ni Pimentel, ang ICC ay isang international body na nilikha sa pamamagitan ng tratado at ito ay hindi natin maaaring kontrolin.

Facebook Comments