Manila, Philippines – Ikakasa na sa pagbabalik sesyon ang imbestigasyon ng Kamara sa kwestyunableng stock trading na kinasangkutan ng apat na opisyal ng SSS.
Ayon kay Banks and Financial Intermediaries Chairman Ben Evardone, mayroong dalawang indibidwal ang haharap sa pagsisiyasat para ibulgar ang mga anomalya sa ahensya.
Ang dalawang haharap sa Kamara na hindi muna pinangalanan ni Evardone, ay may impormasyon partikular sa apat na opisyal ng SSS na sangkot sa pagtrade ng sariling stocks gamit ang stockbroker ng pension fund ng ahensya.
Bukod dito, inaasahan ding mabubunyag ang iba pang reklamo ng ilang indibidwal.
Ilang myembro aniya ang dumulog sa kanyang komite na kung saan may gumagamit ng kanilang policy loan kahit hindi mismong ang member ang naglo-loan nito.