Patuloy ngayong iniimbestigahan ng mga otoridad sa lalawigan ng Zamboanga del Norte ang patungkol sa pagkakuryente ng dalawang linemen ng Zamboanga del Norte Eletric Cooperative (ZANECO) na ikinasawi ng isa sa dalawang biktima habang ang mga ito ay nagkukumpuni sa kanilang primary line.
Base sa report ni Engr. Joseph Villarias Bermudez, chief operation and maintenance division ng Zamboanga del Norte Electric Cooperative (ZANECO)na nangyari ang insidente dakong alas-10:00 ng umaga sa Sitio Horseshoe, Barangay Pangalalan sa lungsod ng Sindangan.
Base sa salaysay nito, kinukumpuni ng dalawa nilang linemen ang kanilang primary line sa lugar nang aksidenteng mahawakan ng mga ito ang live wire.
Una na rin umanong pinatay ang koneksyon ng nasabing linya dakong alas-8:55 pa ng umaga kaya palaisipan sa kanila kung bakit ito nangyari.
Parehong isinugod ang dalawang biktima sa Sindangan District Hospital pero idineklarang dead on arrival si Jose Riel Miñao De Felix.
Inilipat naman sa Zamboanga del Norte Medical Center sa Dipolog City ang isa pang biktima na si Christopher Fernandez Barazon na hanggang ngayon ay patuloy pang nilalapatan ng lunas. *-30- (M L)*
Imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa pagkakuryente at pagkamatay sa linemen ng electric cooperative sa Zamboanga del Norte nagpapatuloy. Patuloy ngayong iniimbestigahan ng mga otoridad sa lalawigan ng Zamboanga del Norte ang patungkol sa pagkakuryente ng dalawang linemen ng Zamboanga del Norte Eletric Cooperative (ZANECO) na ikinasawi ng isa sa dalawang biktima habang ang mga ito ay nagkukumpuni sa kanilang primary line. Base sa report ni Engr. Joseph Villarias Bermudez, chief operation and maintenance division ng Zamboanga del Norte Electric Cooperative (ZANECO)na nangyari ang insidente dakong alas-10:00 ng umaga sa Sitio Horseshoe, Barangay Pangalalan sa lungsod ng Sindangan. Base sa salaysay nito, kinukumpuni ng dalawa nilang linemen ang kanilang primary line sa lugar nang aksidenteng mahawakan ng mga ito ang live wire. Una na rin umanong pinatay ang koneksyon ng nasabing linya dakong alas-8:55 pa ng umaga kaya palaisipan sa kanila kung bakit ito nangyari. Parehong isinugod ang d
Facebook Comments