MANILA – Ipagpapatuloy sa Huwebes (February 9) ng senate committee on public order and dangerous drugs ang pagdinig hinggil sa tokhang for ransom na kinasangkutan ng ilang tauhan ng Philippine Naitonal Police.Pansamantala kasi itong sinuspendi matapos ipatigil ang oplan tokhang, pagbuwag sa PNP anti-illegal drugs group at pagsuko ni Supt. Rafael Dumlao.Ayon kay Committee Chairman Sen. Panfilo Lacson, muling bubuksan ang pagdinig dahil na rin sa development sa kaso at para magkaroon na rin ito ng closureAniya, sinulatan na nila ang Amnesty International kung mayroon itong resource person.Una nang sinabi ng Amnesty International, na organisado ang mga pagpatay sa bansa na may kinalaman sa iligal na droga.Giit ni Lacson, mahalaga para sa kanila na may hawak silang ebidenysa at hindi hearsay lamang.Inaasahan pa rin ang pagdalo sa pagdinig nina PNP Chief Director Genaral Ronald Dela Rosa at National Bureau of Investigation Director Dante Gierran.
Imbestigasyon Ng Senado Sa Oplan Tokhang, Itutuloy Sa Huwebes… Amnesty International, Posibleng Ipatawag
Facebook Comments