MANILA – Hindi na matutuloy sa Huwebes ang imbestgasyon ng senado hinggil sa pagdukot at pagpatay ng mga pulis sa Koreanong si Jee Ick Joo.Ayon kay SEN. Ping Lacson, chairman ng committee on public order and illegal drugs, sinuspinde ang imbestigasyon matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtugis sa mga sangkot na pulisHihintayin muna ng senado ang kalalabas ng utos ng pangulo.Samantala, dismayado naman si Sen. Leila De Lima sa desisyon ni Lacson.Naniniwala ang senadora na “in aid of legislation” ang ginagawang pagdinig sa isyu kaya umaasa ito na itutuloy ni Lacson ang pagdinig.
Facebook Comments