Imbestigasyon ng Senado sa pagkakaaresto ni FPRRD, hindi pipigilan ng Malacañang

COURTESY: International Criminal Court-CPI

Malaya ang Senado na mag-imbestiga kaugnay sa pagkakaaresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y kasunod ng pahayag ni Senator Imee na ipapasisiyasat niya ang pagkakadakip sa dating pangulo na naging sanhi ng pagkakahati ng bansa ngayon.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, bagama’t hindi pa nila napag-uusapan ang bagay na ito, handang magpadala ng representate ang Palasyo kung matutuloy ang imbestigasyon sa Senado.


Hindi rin hahadlangan ng Palasyo ang sinumang resource person na ipapatawag sa Senado kung lalo na kung ito ay gagawin in aid of legislation.

Kumpiyansa naman aniya sila na masasagot nila nang maayos ang imbestigasyon ng Senado dahil naaayon sa batas ang ginawang pag-aresto kay dating Pangulong Duterte.

Facebook Comments