Malacañang, hinamon si Atty. Harry Roque na bumalik din sa bansa

“BRING HOME ROQUE”

Ito ang panawagan ng Malacañang kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng pagsulpot nito sa The Hague, Netherlands habang may arrest order sa House quad-committee.

Ayon kay Castro, kung marami ang nananawagan ng “Bring Home FPRRD” ay mas magandang hamunin din si Roque na bumalik na sa bansa at magpakita sa Kamara.


Si Roque ay nahaharap sa non-bailable trafficking charge at may arrest order mula sa House of Representatives na hindi pa naipatutupad dahil sa pagtatago nito.

Nitong Biyernes, magkasamang dumating sina Roque at Vice President Sara Duterte sa International Criminal Court o ICC detention center bago ang pre-trial ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments