Imbestigasyon ng Senado ukol sa political killings, umarangkada na

Manila, Philippines – Dinidinig ngayon ng committee on public order and dangerous drugs ang isyu ng pagpatay sa ilang kandidato at mga local government officials.

Basehan ng pagdinig ang tatlong resolusyon na magkakahiwalay na inihain nina Senate President Tito Sotto III, at nina Senators Grace Poe at Bam Aquino.

Sa pagdinig ay inireport ng Philippine National Police na umaabot na sa 12 mayor ang napapaslang habang pito naman ang vice mayor.


Ayon kay Committee Chairman Senator Panfilo Ping Lacson nakakaalarma ang pagtaas ng election-related violence kaya mahalaga na makapaglatag ng panukala hinggil dito.

Sabi ni Lacson, layunin ng pagdinig na mabusisi ang posilisya ng PNP para masolusyunan ang mga political crimes.

Ilan aniya sa sisilipin sa hearing ang regulasyon sa pag-iisyu ng permit sa pagbibit ng armas at ang estado ng mga hakbang ng otoridad laban sa mga loose firearms at mga private armies.

Facebook Comments