MANILA – Planong paimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang madugong engkwentro sa mamasapano noong 2015.Sa oath taking ng PNP officials sa Malakanyang, sinabi ng pangulo na ayaw na niyang balikan o ungkatin pang muli ang naturang isyuPero, isa lamang ang tanong niya sa mga opisyal ng militar at pulis kung saan bakit hindi gumamit ang mga ito ng air assets sa gitna ng bakbakan.Ayon sa pangulo, walang dapat ipag-alala ang mga opisyal ng nagdaang administrasyon dahil hindi siya mamumulitika.Dagdag pa nito, gusto lamang niyang malaman ang tunay na nangyari noon para mabigyan ng kasagutan ang mga katanungan.Balak din ng pangulo na makipagpulong sa mga biyuda ng PNP Saf na nasawi sa engkwentro sa ikalawang taong paggunita sa ika-25 ng Enero.Matatandaan na iginiit ng Armed Forces of the Philippines na ginawa nila ang lahat para matulungan ang mga miyembro ng special action force.Bagaman nagtagumpay ang operasyon kung saan na-neutralize ang teroristang si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan, umabot naman sa 44-saf members ang namatay sa engkwentro.
Imbestigasyon Sa Madugong Mamasapano Encounter – Planong Muling Pabuksan Ni Pangulong Duterte
Facebook Comments