Imbestigasyon sa mga Narekober na Armas at PNP Uniforms sa Quirino, Kasalukuyan Pa Rin!

Quirino- Kasalukuyan pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat ng PNP Quirino sa mga narekober na matataas na uri ng armas, bota at mga Uniporme ng mga kapulisan kamakailan.

Ito ang inihayag ni Quirino Provincial Director Police Senior Superintendent Gregory Bognialbal sa naging talakayan ng RMN Cauayan kaninang umaga.

Aniya, ang mga narekober na armas at uniperme ay nakuha umano ng mga rebelde sa naganap na raid sa bayan ng Maddela, Quirino.


Ayon pa kay PD Bognialbal na dumaan na umano sa proseso ang kanilang isinasagawang imbestigasyon sa mga nakuhang armas dahil hindi na umano mabasa ang mga serial number ng mga ito at itutugma pa umano nila ang mga ito kung kasama sa mga naunang narekober sa ibang bahagi ng probinsiya ng Quirino.

Giit pa PD Bognialbal na maganda umano ang kanilang nagawa dahil napigilan umano nila ang mga maaring gawin ng mga kasapi ng NPA na pwedeng ikasira sa mga programa ng kapulisan kaya’t patuloy naman umano ang kanilang pagkalap ng mga ebidensiya na makapagpapatibay pa sa naturang insidente.

Samantala, maayos naman umano ang kanilang koordinasyon at pagtutulungan sa panig ng kasundaluhan sa pagresolba ng mga kaso na may kaugnayan sa mga gawain ng rebelde at aniya, dapat lamang na laging handa ang mga kapulisan upang mapaghandaan ang anumang pag-atake ng mga rebelde.

Hinikaya’t pa ni PD Bognialbal ang publiko na ipaabot agad sa kanilang tanggapan kung mayroon mang nagaganap na insidente sa nasasakupang lugar.

Facebook Comments