Imbestigasyon sa mga tauhan ng Phil. Navy na umano’y nakapatay sa 2 mangingisdang Vietnamese, nagpapatuloy

Manila, Philippines – Nanatiling inosente ang mga tauhan ng Phil. Navy na sakay ng BRP Miguel Malvar o PS 19 na sinasabing nakapatay umano sa dalawang Vietnamese fishermen sa Bolinao Pangasinan.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col Edgard Arevalo nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa kaso kaya hindi pa napapanahon para sabihing guilty ang mga sundalong sa pagpatay sa dalawang Vietnamese fishermen.

Nirerespeto raw ng Armed Forces of the Phil. ang pananaw ng Vera files organization na sinasabing pinagbabaril ng mga tauhan ng ng Phil. Navy ang Vietnamese fishing vessel noong Sept. 22 matapos makitang naglalayag sa karagatang sakop ng Bolinao Pangasinan makaraang makapanayam ang mismong kapitan ng Vietnamese fishing vessel.


Giit pa ni Arevalo nagawa na nang pamunuan ng AFP ang kanilang hakbang sa kasong ito, ito ay ang pagsibak sa pwesto sa kapitan ng BRP Miguel Malvar at mga crew ng barko habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Phil. Coastguard at Phil. National Police.

Facebook Comments