MANILA, PHILIPPINES – I-imbestigahan ng Commission on Higher Education ang Bestlink College of the Philippines sa Quezon City.
Kasunod ito ng pagkamatay ng labing limang mga estudyante nito matapos na sumalpok ang sinasakyang bus habang papunta sa isang field trip sa Tanay, Rizal.
Ayon kay CHED Office of the Student Development and Services Officer in Charge Director Engr. Ronaldo Liveta – batay sa inisyal na pagsisiyasat ay hindi nagpasabi ang naturang eskwelahan na mayroon itong aktibidad sa labas.
Aniya, kung mapapatunayan na nagkulang ang paaralan ay posibleng ipahinto ng ched ang mga programa nito.
Kasabay nito, hihilingin naman ni CHED Commissioner Popoy De Vera sa kanilang En Banc Session ang pagpapatigil muna sa mga field trips at educational tours sa kolehiyo habang gumugulong ang imbestigasyon sa nasabing trahedya.