MANILA – Nilinaw ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi pa tinatanggap ng UN special rapporteur on summary executions ang imbitasyon ng gobyerno para imbestigahan ang umano’y nangyayaring extra judicial killings sa bansa.Sinabi ni DFA spokesperson Charles Jose na una nang nagpahayag ang administrasyong Duterte ng pagiging bukas nito sakaling mag-imbestiga ang UN rapporteur.Matatandaang sinabi noon ni Duterte na papayagan niyang mag-imbestiga ang UN rapporteur kung hahayaan din siya ng mga ito na magsalita at ipaliwanag kung ano ang totoong sitwasyon ng bansa sa harap ng problema sa droga.Pero ayon kay Jose, naniniwala siyang hindi ang mga hinihinging kundisyon ng Pangulo ang dahilan kung bakit hindi pa tinatanggap ng un rapporteur ang imbitasyon.Aniya, ginawa ito ni Duterte para tiyaking magiging patas ang gagawing imbestigasyon.
Imbitasyon Ng Malakanyang Sa Un Special Rapporteur Na Magsagawa Ng Imbestigasyon Kaugnay Sa Umano’Y Extra Judicial Killi
Facebook Comments