Ipinahayag ni Senator Imee Marcos na hindi siya suportado sa Reserve Officer’s Training Corps (ROTC) mandatory bill para sa mga senior high school student na gustong ipatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa Kapihan sa Senado, ipinaliwanag ni Imee kung bakit hindi kailangan na sapilitang ipagawa sa senior high school students ang ROTC.
“Sabi ni Presidente, Grade 11 at Grade 12. Parang makikiusap po ako na kontra ‘yan sa pinirmahan nating UN resolution… for the protection of children,” ani Imee.
Ayon sa United Nations Peacekeeping, hindi pwedeng i-deploy ang mga menor de edad sa military recruitment. Layunin nitong proteksyonan ang mga bata.
Ipinasa ang Senate Bill No. 2232 nitong Lunes sa pamamagitan letter ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III. Ipinasa na rin ng House of Representatives ang version ng bill na ito.
Samantala, si Senator Win Gatchalian ang sponsor ng bill habang co-sponsor naman sina Richard Gordon at Manny Pacquiao.