Hindi pa buo ang desisyon ni Imelda Papin kaugnay ng napabalitang siya ay kakandidato sa pagka Vice-Governor ng Camarines Sur sa darating na 2019 elections. Ito ang napag-alaman sa interview ni DWNX RadyoMaN Ed Ventura kaninang umaga.
Magugunitang nitong nakaraang lunes – March 19 sa panayam din ng DWNX – ipinahayag ni Papin na malalaman sa Miyerkules – March 21 ang kanyang desisyon hinggil sa nasabing isyu. Subalit lumipas na lamang ang Miyerkules na walang pahayag na n arinig mula sa kanya. Ilang beses na sinikap ng DWNX na tawagan ang dating Vice-Governor ng Camarines Sur subalit hindi nito sinasagot ang mga tawag sa kanya simula pa noong Miyerkules.
Kaninang umaga, nagpaunlak ng interview si Papin at sinabi niyang busy siya nitong mga nakaraang araw kung kayat hindi niya nasagot ang mga tawag para kumpirmahin ang kanyang kandidatura sa pagka vice governor. Ipinahayag din ni Papin na hanggang sa araw na ito ay wala pa talaga siyang kapasyahan dahil may kinukunsulta pa siyang mga taong malalapit sa kanya. Idinagdag pa ni Papin na hinihintay niya rin ang feed-back ng Malakanyang hinggil sa kanyang magiging direksyon sa 2019.
Samantala, nabanggit din ni Papin sa panayam ng DWNX kaninang umaga na dalawang posisyon ang kinukunsidera niyang tatakbuhan – una, bilang vice governor ng Camarines Sur ka-tandem ni incumbent Governor Migz Villafuerte o di-kaya’y bilang kongresista.
Sa kabilang dako, usap-usapan din ngayon kung sino ang ka-tandem ni Cong. Rolando “Nonoy” Andaya na nauna ng nagpahayag ng kanyang intension na tatakbo bilang governor ng probinsiya sa 2019 elections.
Kaya tanong ngayon ng karamihan na sumusubaybay sa isyung ito, – SINO KAYA ANG RUNNING-MATE ni Cong. Nonoy Andaya sa darating na 2019 election derby sa Camarines Sur???
Imelda Papin for VICE GOVERNOR???… SINO kaya ang VICE ni Cong. Nonoy Andaya?
Facebook Comments