Immigration Commissioner Norman Tansingco, pinasisibak na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla

Hiniling na ng Department of Justice (DOJ) na sibakin sa pwesto si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco.

Sa ambush interview kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, sinabi nitong hindi siya kuntento sa pagtatrabaho ni Remulla partikular na ang paglabas ng bansa ng sinibak na alkalde ng Bamban na si Alice Guo.

Ayon kay Remulla, nagkasundo na sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaugnay rito at sigurado nang papalitan ang namumuno sa Immigration.


Wala pa namang ibinibigay na detalye ang kalihim kung sino ang papalit at kung kailan mangyayari ang pagsibak kay Tansingco.

Facebook Comments