Manila, Philippines – Tiniyak ni House Committee on Justice Chairman Rey Umali na tatalima sila sa utos ni Pangulong Duterte na bilisan ang impeachment process laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Umali, isa o dalawang araw lang ay tapos na nila ang impeachment ni Sereno sa plenaryo.
Tiyak din na mas maraming mga kongresista ang boboto para mapatalsik si Sereno dahil mayorya ng nasa Kamara ay myembro at kaalyado ng PDP-LABAN idagdag pa ang utos ng Pangulo na siyang lalong dahilan na mamadaliin na nila ang impeachment.
Mangangailangan ng 1/3 na boto o 98 na mga kongresista para tuluyang mapatalsik ng Kamara si Sereno.
Para naman kay House Speaker Pantaleon Alvarez, malakas ang kanilang articles of impeachment na iaakyat sa Senate Impeachment Court at dahil may kumpas na ng Pangulo mas lalo pang titibay ang reklamo laban sa Punong Mahistrado.