Pagpapalit ng pamunuan ng PSG at national convention ng mga Abogado dadaluhan ni Pangulong Duterte.

73
Manila, Philippines – Pangungunahan mamaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Change of command Ceremony ng Commander ng Presidential Security Group o PSG.

Gagawin ang nasabing aktibidad mamayang pasa 5:00 ng hapon sa PSG Compound sa Malacanang Park.
Una nang itinalaga ni Pangulong Duterte Col. Lope Dagoy bilang bagong Commander ng PSG at ang pinalitan nitong si Gen. Rolando Bautista ay itinalaga naman sa 1st infantry Division ng Philippine Army sa Pagadian.

Mamayang 7:30 naman ng gabi ay dadaluhan ni Pangulong Duterte ang opening ceremonies ng Integrated Bar of The Philippines 16th national Convention of Lawyers sa Marriot Hotel sa Pasay City.

 

Facebook Comments