Manila, Philippines – Nakatakdang ihain ngayong hapon ng ilang kritiko sa kamara de representante ang impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Atty. Bruce Rivera – ang impeachment complaint sa Bise Presidente ay patungkol sa “betrayal of public trust, culpable violation of the constitution at graft and corruption.”
Kaugnay aniya sa video-message ng Ikalawang Pangulo noon sa United Nations Forum kung saan inihayag nito ang kontrobersyal na ‘palit-ulo’ scheme at mga warrantless arrests sa hanay ng mga pulis sa kampaya kontra droga ng Duterte administration.
Sinabi ni Rivera na ilan din sa mga pinagbatayan ng kanilang impeachment complaint ang hindi tamang magdedeklara ni Robredo ng kanyang SALN at maling paggamit ng pondo noong chairperson pa ito ng Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC.
Tiwala naman ng grupo na susuportahan ang kanilang inihaing kaso laban sa Bise Presidente sa kamara.
Impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo – ihahain ngayong hapon sa Kamara
Facebook Comments