
Ikinalugod ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang hindi paglalabas ng Supreme Court ng Temporary Restraining Order (TRO) sa impeachment proceedings ng Kamara laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Dy, ipinapakita nito ang tamang balance sa bawat institusyon na tumutupad sa kanilang papel batay sa atas ng Konstitusyon.
Bunsod nito ay tiniyak ni Dy na tuloy ang nakatakdang impeachment hearing ng House Committee on Justice sa April 14 para matukoy kung may probable cause ang dalawang verified impeachment complaint laban kay VP Duterte.
Pahayag ito ni Dy makaraang atasan ng Korte Suprema ang Kamara na sagutin ang petisyon na inihain ni VP Sara sa loob ng 10 araw pero hindi naman nito pinigilan ang nakatakdang impeachment hearing.
Muli binigyang-diin ni Dy na na ang mga hakbang ng Kamara, sa pangunguna ng House Committee on Justice, kaugnay sa impeachment ay mahigpit na nakabase sa Konstitusyon na tinutupad nila ng patas, maayos at nakabatay sa ebidensya kung saan lahat ng partido ay binibigyan ng pagkakataon na mailahad ang kanilanig panig.










