Thursday, January 29, 2026

Impeachment rules, tila binago ng Supreme Court para maging pabor sa mga impeachable officials

Para sa Makabayan Bloc, tila binago ng Kataas-taasahang Hukuman ang Rules for Impeachment para maging pabor sa mga impeachable officials tulad ng presidente at bise presidente.

Reaksyon ito nina Representatives Antonio Tinio, Sarah Jane Elago at Renee Louise Co makaraang pagtibayin ng Supreme Court (SC) ang una nitong deklarasyon na unconstitutional ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon sa Makabayan Bloc, dahil sa SC ruling ay naging mas mahirap ang proseso ng impeachment sa hinaharap lalo na ang pagkuha ng 1/3 vote ng mga kongresista para paboran ang impeachment complaint.

Sa kabila nito ay nanindigan sina Representatives Tinio, Elago at Co na nananatiling valid ang mga batayan ng impeachment kay VP Sara na kinabibilangan ng culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, at iba pang malalaking krimen.

Handa na rin ang Makabayan bloc na maghain muli ng impeachment complaint laban kay VP Duterte para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.

Facebook Comments