Impeachment trial kay VP Sara, posibleng umabot ng 20th Congress

Nakatitiyak si Senate President Chiz Escudero na aabot pa ng 20th Congress ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Escudero na mahabang proseso ang pagdadaanan dahil mula nang mapatalsik noon si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona ay hindi na nagkaroon ng updated na rules.

Bunsod ng maiksi na panahon ng 19th Congress, tiyak na tatawid aniya ang paglilitis kay VP Sara sa 20th Congress dahil kahit simulan na sa pagbabalik-sesyon ang impeachment trial ay hanggang Hunyo 30 lang ang sesyon dahil magsasara na ang 19th Congress.


Dagdag pa ni Escudero, maaari pa ring magpatuloy ang paglilitis kay VP Duterte dahil hindi naman ito maikukumpara sa isang panukala na kapag natapos na ang isang Kongreso ay ihahain muli.

Paliwanag ng senador, hiwalay ang function ng impeachment court sa lehislatura tulad sa ibang collegial courts na Sandiganbayan, Court of Appeals, Supreme Court, Civil Service Commission at Comelec na kahit magpalit ng mga mahistrado ay patuloy lang ang proseso ng mga nakabinbin na kaso.

Facebook Comments