
Kinumpirma ni Atty. Israelito Torreon na ipinag-utos na ng Pasig City Regional Trial Court na ibalik si Pastor Apollo Quiboloy sa Pasig City Jail sa February 12.
Ito ay mula sa pagkaka-confine ni Quiboloy sa isang pribadong ospital dahil sa sakit na pneumonia.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig kanina sa kasong qualified human trafficking ni Quiboloy, muling sumalang sa cross examination ng depensa si alias Amanda na main complainant sa kaso.
Hindi rin muli nakaharap nang personal si Quiboloy sa korte dahil sa karamdaman nito.
Dumalo lamang sa hearing si Quiboloy sa pamamagitan ng video conferencing habang siya ay naka-confine sa ospital.
Facebook Comments