
Nagkaroon ng bahagyang pagsabog sa summit crater ng Bulkang Kanlaon Volcano ngayong araw.
Batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ito alas-3:11 ng hapon at tumagal ng dalawang minuto batay sa seismic at infrasound records.
Nakapagtala naman ang Phivolcs ng ash fall sa Barangay Sag-ang, La Castellana, Negros Occidental.
Dahil sa makapal na ulap, bahagya lamang itong namataan sa IP camera sa timog na bahagi ng bulkan.
Sa kasalukuyan, nananatili sa Alert Level 3 ang Kanlaon Volcano.
Pinapayuhan ang publiko na iwasan ang pagpasok sa 4-kilometrong Permanent Danger Zone dahil sa patuloy na banta ng posibleng pagsabog.
Patuloy namang mino-monitor ng Phivolcs ang aktibidad ng bulkan at pinaalalahanan ang mga residente na manatiling alerto at sumunod sa abiso ng kanilang lokal na pamahalaan.