City of Ilagan, Isabela – Seryosong ipinapatupad ng 91 barangay sa lungsod ng Ilagan ang implementasyon sa kampanyang kontra iligal na droga.
Ayon kay President Gaylord Malunay ng Liga ng Mga Barangay ng City of Ilagan na may koordinasyon ang lahat ng mga opisyal ng barangay sa Law Enforcement Agency kaugnay sa pinalakas na kampanya sa droga.
Aniya sa nakaraang pagpupulong ng mga barangay sa nasabing lungsod ay naging kasama ang kapulisan, miyembro ng City Peace and Order Council at si City Mayor Evelyn “Mudz” Diaz kung saan ay napag-usapan ang mga bagong estratehiya at pamamaraan sa pagsugpo ng illegal na gawain.
Kasama umano dito ang pagpapa-kalat ng hotline number ng PNP Ilagan at nakadirekta na sa kanilang tanggapan para sa agarang pagtugon sa anumang pangyayari sa bawat barangay.
Idinagdag pa ni Malunay na mayroong disenteng barangay outpost sa kanilang nasasakupan at magdamagang checkpoint ng mga tanod.
Samantala naniniwala pa ang nasabing opisyal na mga dayuhan sa lungsod ng Ilagan ang karaniwang nasasangkot sa droga.