Implementasyon ng Bayanihan 2, masusing babantayan ng Kongreso

Tiniyak ni Senate Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara ang masusing pagbabantay sa implementasyon ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) ng Kongreso sa pamamagitan ng oversight committee nito katuwang ang Commission on Audit (COA).

Diin ni Angara, ito ay para matiyak na walang pondo sa ilalim ng Bayanihan 2 ang masasayang at para masiguro na matatanggap ang mga benepisyong hatid nito sa takdang panahon.

Tiwala si Angara na sa pamamagitan ng Bayanihan 2 ay magpapatuloy ang pagtugon ng gobyerno sa health crisis na kinakaharap ng bansa ngayon.


Ayon kay Angara, pangunahing prayoridad ng Bayanihan 2 na maibigay ang pangangailangan ng health sector na siyang frontliner sa paglaban natin sa COVID-19.

Binanggit ni Angara na aalalay rin ang Bayanihan 2 sa mga sektor na labis na naapektuhan ng pagkadiskaril ng economic activity dulot ng pandemya.

Pangunahing tinukoy ni Angara ang sektor ng turismo at ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) at iba pang labis na nangangailangan.

Facebook Comments