Isang lalaki na inabutan ni DENR Usec. Benny Antiporda na dumudumi sa Manila Bay, pinaaresto sa pulisya

3958

Arestado ang isang lalaki matapos abutang dumudumi sa Manila Bay nila Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda habang nagsasagawa ng clean-up drive kanina.

Ayon sa hindi pa nakilalang lalaki, hindi na niya mapigilan kaya’t naisip na mag-cr sa Manila Bay.

Sa kabila ng paliwanag, tiniyak ni Usec. Antiporda na maaaresto ang nasabing lalaki kung saan siya mismo ang tatayong complainant.

Una nang naglabas ng saloobin si Antiporda kasunod ng kaliwa’t kanang reklamo habang nagpapatuloy ang rehabilitasyon kabilang na ang paglalagay ng artificial white sand sa Manila Bay.

Aniya, noong basura at dumi ng tao ang nakatambak doon wala silang nakikitang nagrereklamo pero ngayong pinapaganda ito ay saka naman nagkakaroon ng pambabatikos.

Kanina, pinangunahan ni DENR Usec. Antiporda at Usec. Jonas R. Leones ang clean-up drive bilang paghahanda sa International Coastal Cleanup sa September 19, 2020.

Samantala, ayon sa DENR, dati 50 truck ng basura ang nakakahot araw-araw sa Manila Bay, pero ngayon ito ay nasa dalawa o tatlong truck na lamang ng basura.




Facebook Comments