
Ipinasisiyasat ni Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian ang bagong Government Procurement Act.
Sa Senate Resolution 336 na inihain ni Gatchalian, layon nitong tiyakin ang integridad ng paggamit ng pondo ng taumbayan matapos na rin ang makasaysayang pagbabago sa proseso ng budget matapos ang mga natuklasang katiwalian sa paggamit ng flood control funds.
Sa resolusyon ay susuriin ang status ng implementasyon ng New Government Procurement Act para matiyak ang maayos na transisyon o paglilipat sa bagong sistema.
Bukod sa pagtiyak sa wastong paggamit ng pondo, pinalalakas din ng batas ang pananagutan sa paggamit ng public funds.
Nais masiguro ng mambabatas na palakasin ang transparency, higpitan ang disiplina sa paggastos ng pondo at paigtingin ang monitoring sa mga proyektong pang-imprastraktura.










