Mahalagang tutukan ng gobyerno ang maigting na implementasyon sa Universal Health Care Law at National Health Insurance Law sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya sa bansa.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni 3-term Senator at Antique Lone District Rep. Loren Legarda na ang dalawang batas na ito ay naglalayong palakasin at gawing dekalidad ang sistema ng kalusugan sa ilang pampublikong ospital.
Aniya, bilang principal author ng National Health Insurance Law na naisabatas noong taong 2013, mahalagang malaman ng publiko na maaari silang makapag-paggamot ng libre kahit hindi miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Kailangan din tiyakin na mayroong sapat na pondo para sa mga dekalidad na pasilidad at kagamitan sa mga ospital batay na rin sa Health Facilities Equipment Program ng Department of Health.
Sa huli, nananawagan si Legarda sa publiko na dapat magtulungan sa pagmo-monitor ng dalawang nasabing batas.